Deus Noster Logo gold - FEB. 2018
Pangako ng Puso 3 – ft. Integrated Bar of the Philippines
Noong 2022, inilunsad ng Deus Noster Foundation, Inc. ang Pangako ng Puso—isang panata para igalang at ipagtanggol ang kababaihan at kabataan. Ngayong National Women’s Month 2026, ito ay muling pinagtibay sa pakikipagtulungan ng Deus Noster Foundation Inc., Integrated Bar of the Philippines National Chapter at Integrated Bar of the Philippines – Cavite Chapter. 14 na abogado, iisang adhikain: wakasan ang karahasan at itaguyod ang dignidad ng bawat babae at bata. Sa pakikiisa ni Secretary of Justice Frederick A. Vida, ang pangako ay mas pinatatag. Dahil ang tunay na katarungan ay nagsisimula sa puso.